Sunday, January 13, 2013

Mga Kwentong Kababaglaghan

 Mga Ligaw na Kaluluwa


  May mga bagay, pangyayari at pangitain sa mundo na hindi maipaliwanag maging ng siyensya. May mga kwento na sadyang hindi natin masasabi kung may katotohanan o wala. Maaaring gawa-gawa lamang o nagpasalin-salin na. Paano nga ba kung ikaw mismo ang nakasaksi o makaranas ng mga ganitong nakakapangilabot na pangyayari at pangitain? Handa ka ba sa mga maaari mong makita at matunghayan? Ating alamin kung bakit nga ba nagpapakita at nagpaparamdam ang mga nilalang na ito na nakikihati sa ating mundong ginagalawan.

  Ang mga ligaw na kaluluwa na hindi natin alam, palihim pala sa atin ay nagmamasid, sumusubaybay at nagbabantay. Sila ay patuloy na nagiging bahagi pa rin ng ating buhay, marahil ang ilan sa kanila ay may nais na iparating sa kanilang mahal sa buhay. At nais naman ng iba na mabigyan sila ng hustisiya para magkaroon sila ng katahimikan at kapayapaan. May paniniwala ang iba na dito sa ating mundong ginagalawan ay mayroong masasama at mabubuting elemento. Puno ng misteryo at kababalaghan ang buhay ng taong patuloy na dumaranas ng hindi paipaliwanag na pangyayari na dulot ng kanilang ntatanging abilidad na makakita ng hindi pangkaraniwang nilalang.

  Ang babaeng nakaputi o ang tinatawag nilang white lady ay isang masamang elemnto na nang-aakit ng mga tao para mabiktima. Minsan na itong naging dahilan ng ilang mga aksidente sa kalye, at kadalasan itong nangyari sa liblib na lugar o yung mga daan na madilim at puro puno na lamang ang iyong madadaanan. Ngunit wala namang sapat na ebidensiya na ang babaeng nakaputi nga ang naging sanhi ng mga aksidenteng ito.

  May mga kaluluwang hindi lang basta nagpapakita at nagpaparamdam, mayroon ding nagpapahayag ng nararamdam. Sila ay lihim na umiibig sa isang mortal pero hindi naman nararapat ang ganong pagmamahal. Paano mo masasabing sila ay hindi delikaado, kung ang magmamahal lang din naman sa'yo ay isang multo?

  Ang mga taong may kakayahang makakita at makausap amg mga kaluluwa ay sinasabing mayroong tinatawag na third eye. Karamihan sa kanila ay pinagkakakitaan ang kanilang kakayahan upang makatulong sa ibang tao na ginugulo o pinaparamdaman ng mga kaluluwang hindi malaman ang dahilan ng kanilang pagpaparamdam. Hindi biro ang pagkakaroon ng komunikasyon sa isang kaluluwa, lalo na't walang kasiguraduhan kung ano ang motibo nila kung bakit hindi pa sila tumatawid sa kabilang buhay.na sila mismo ang nakakasaksi sa isang pangitain na hindi nila kailanman malilimutan.

  May ilan sa kanila na mahilig kumuha ng ebidensya na makakapagpatunay na may mga multo nga sa isang lugar. Ang mga abandonadong bahay ay isa sa mga pinamumugaran ng mga hindi matahimik na kaluluwa. May mga nakukuhanan ng litrato at may mga nagsasabi naman na mga napapadaan sa mismong bahay 

  May ilan naman na ginagawang laro at katatawanan ang pagtawag sa mga nananahimik na kaluluwa. Isa sa na rito ang paglalaro ng spirit of the glass, spirit of the coin, at kung anu-ano pa. Hindi nila alam ang maaaring mangyari kapag nabulabog ang mga nanahimik na kaluluwa, maaari silang sumanib at sila naman ang paglaruan, Hindi sila titigil hanggang sa makuha nila ang kanilang kailangan at iyong maunawaan na hindi na dapat pa silang tinatawag kung ang motibo mo lang naman ay ang sila ay pagkatuwaan.


  Iyong panuorin ang isang kuha ng mga kabataan na pinagkatuwaan ang isang matandang babae na hindi nila alam ay isa palang kaluluwa. Ikaw na ang bahalang humusga kung ito ay iyong paniniwalaan.


    Ang pagsanib naman ng ibang kaluluwa ay ang paraan nila upang maiparating nila ang kanilang mensahe. Sila yung mga hindi matahimik na kaluluwa na ang hangad lang ay ang hustisya. Maaaring biktima sila ng kagimbal-gimbal na karahasan, napabayaan, at napgkaitan ng hustisya upang mapagbayaran ng may-sala ang kanyang nagawang kasalanan.

  Mga kaluluwang ligaw, bakit nga ba sila hindi pa tumatawid sa kabilang buhay? Sila ba ay mayroon pang naiwang misyon dito sa lupa, o mayroon silang hindi maiwanang iniingatang bagay? Ano nga ba ang misteryo sa likod ng kanilang pananatili kasama ang mga mortal na tao? Marahil nga sa kadahilanang sila ay kabilang na na naninirahan kasama natin dito sa ating mundo.

 Mga Halimaw na Nag-aanyong Tao

 

  Karanasan ni Krystal Joy Ann A. Palero

  "Nung siya ay nasa ika-10 taong gulang, lunes ng gabi, sa kanilang tahanan, pinabili siya ng kanyang ina ng toothpaste. Pagkalabas niya ng kanilang tahanan, bigla siyang kinilabutan. Pagkalingon niya sa kanyang likuran, may nakita siyang isang lalaki, mapula ang mata, nagniningas sa galit, walang saplot ang taas ng katawan at nakayuko. Kumaripas ng takbo ang batang si Krystal habang nanginginig sa takot. Pagdating sa kanto, napatigil siya sandali at dahan-dahang lumingon sa kanyang likuran at dun niya napagtanto na patuloy pa rin siyang sinusundan ng lalaking kanyang nakita. Tumakbo siyang muli patungo sa nakasaradong tindahan at sapilitang binuksan ang nakasaradong pinto na nagdulot ng matinding ingay sapagkat ang pinto ay yari sa yero. Binuksan ng may-ari ang pintuan at doon siya ay napagalitan. Muli siyang lumingon sa kanyang likuran at doon muli nyang nakita ang lalaki na nakayuko sa harap ng pintuan ng tindahan at nanlilisik ang mga mata. Siya ay natulala at patuloy na bumibilis ang tibok ng kanyang puso sa sobrang takot. At sa di kalaunan, biglang naglaho ang lalaking sa kanya ay sumusunod at doon siya ay nakauwi ng may pangamba."

  Hindi tulad ng ibang kaluluwa, ang mga kakaibang nilalang na nag-aanyong tao ay nasa paligid-ligid lang din. Sila ay ang mga aswang na nambibiktima ng mga inosenteng mortal tulad ng mga bata na nasa sinapupunan pa lamang ng kanilang ina. Ang iba naman sa kanila ay sinasabing mga hayop lang binibiktima. Ano nga ba ang tunay na katauhan sa likod ng kanilang nakakapanindig balahibong istorya?


  Ang mga nilalang na tulad ng mga aswang ay sinasabing namumuhay matagal na panahon na ang nakalilipas. Tumatagal ang kanilang lahi sa pamamagitan ng pagsasalin at pagmamana ng kanilang pagka-aswang sa kanilang mga anak, hanggang sa dumami na ng dumami ang kanilang lahi. At patuloy pang namumuhay ang mga ito sa kasalukuyan ngunit bihira na silang umatake at magpakita sa mga tao.

  May mga pag-atake pa rin ng mga aswang tayong nababalitaan hanggang ngayon. Gaano nga ba katotoo na sila nga ang umaatake sa mga taong halos nakalabas na ang kalamnan, wala nang puso at wala nang buhay? Hindi natin lubos maisip na may mga ganto pa palang mga pangyayari at krimen na mahirap masabi na tao nga ang gumawa.

  Hindi lang mga aswang ang dapat natin katakutan, dahil marami pang mga nilalang ang nasa paligid ang mga nag-aanyong tao, at mayroon ding nag-aanyong hayop. Pero mahirap matukoy na sila ay mga hindi ordinaryong nilalang, dahil nga sa kuhang-kuha nila ang maging kilos ng mga tao. Kadalasan silang nagbabalat-kayo pagsapit ng dilim at sa lugar kung saan hindi matao at liblib.

  Sa lugar kung saan malayo sa bayan, maagang matulog ang mga tao dahil sa wala masyadong mapaglibangan. Wala ring kuryente at tanging gasera lamang ang magagamit para magkaroon ng liwanag, doon kadalasang namumuhay ang mga aswang. Kapag naubusan na sila ng mabibiktimang hayop, dito na sila mag-uumpisang mambiktima ng tao. Mahirap silang takasan lalo na't kabisado na nila ang iyong tatakbuhan at kabisado na nila ang bawat kilos mo't galaw.

  Ayon sa mga matatanda, malalaman mo raw na aswang ang isang tao kung baliktad ang direksyon ng anino at baliktad ka sa mga mata nito. Mahirap man paniwalaan pero kung ating uunawain, kahenerasyon nila ang pinagmulan ng mga aswang. At ang matatanda rin ang nagsasabing bawang at asin ang mga pangontra laban sa mga nilalang na ito. Ngunit wala pa namang nakakapagpatunay na ang mga ito ay may katotohanan.

  Ang mga manananggal kung tawagin ay isa rin sa lahi ng mga aswang. Nahahati ang kanilang katawan at nagkakaroon pa sila ng mga pakpak upang makalipad, habang naiiwan ang kalahating bahagi ng kanilang katawan. Tulad rin ng ilang aswang, delikado rin sila at nambibiktima ng mga inosenteng tao. Kailangan hanapin ang kalahating bahagi nito at lagyan ng asin upang hindi makabalik ang kalahating katawan n'ya sa isa pa. At kapag nasikatan ito ng araw at hindi pa s'ya nakakabalik sa kanyang katawan ay tiyak na ikamamatay nito.

  Marami pang uri ng aswang na nakapaligid at nakakalat lang kung saan-saan. Hindi na kailngan pang alamin at isa-isahin ang bawat uri nila, dahil bawat uri nila ay siguradong delikado at mapanganib. Ang pakay nila ay ang mga lamang-loob ng bawat isa sa atin. Nanaisin mo pa bang makakita ng isa man sa kanila, kung ang bawat titig at hakbang nila ay panghihinaan ka na?

  Mga misteryo ng buhay, mga nakikihalubilo sa atin ng hindi natin nalalaman. Paano nga ba natin sila maiiwasan, kung ni hakbang nila ay hindi natin nasisilayan? Mga kwentong kababaglaghan, dapat mo bang paniwalaan? Baka hindi mo namamalayan, sila ay magpakita sa iyong harapan.

Kapangyarihan ng Diyablo (Kampon ng Kadiliman)


  Ang diyablo ay isang alagad ng kadiliman, na kayang lumikha ng elemento tulad ng apoy. Wala nang iba pang nilalang ang makakagawa ng ganyang bagay, marahil natural na ito sa mga diyablo. Ngunit bakit nga ba sila napapadpad sa ating mundo? Ano nga ba ang dahilan kung bakit sila naghahasik ng lagim dito sa lupa? Hindi tulad ng nga kaluluwa at mga aswang, hindi natin nakikita ang mga diyablo, pero mas mapanganib sila kung ikukumpara sa mga kaluluwa at mga aswang. 

  Kalimitan silang natatawag sa pamamagitan ng ritwal at ng kung anu-ano pang pag-aalay. Sa pamamagitan nito, malaya nilang natatawag ang mga kampon ng kadiliman upang makatanggap ng itim na kapangyarihan. Ginagamit nila ang itim na kapangyarihang ito upang maipagtanggol nila ang kanilang mga ipinaglalaban kahit na ito ay isang maling paraan. Hindi ko maalis sa aking isipan ang tanong na kung bakit ba nila nagagawa ang ganitong bagay. Hindi ko rin naman mawari kung ano ang magandang bagay na nadudulot sa paggawa ng mga ganitong ritwal.

  Ang pagsanib ng mga diyablo ay mas matindi at mas mapanakit kung ikukumpara sa pagsanib ng mga kaluluwa. Hindi sila yung sasanib sa mga tao upang maghatid lamang ng mensahe, kundi upang makapanakit pa ng ibang tao. Hindi ka nila kaaawaan kahit ano pang pagpapaawa ang ipakita mo sa kanila, lalo pa silang magkakaroon ng lakas upang ika'y saktan. Sila ay mga alagad ng kadiliman, hindi sila nababahiran ng kahit anong awa. Gagawin nila ang gusto nila at hindi ka nila pakikitaan ng kahit kaunting kabaitan.

  Ang mga mangkukulam, mambabarang at kung anu-ano pang mga kulto ay mga kilala sa paggamit ng itim na kapangyarihan. Sila yung mga mapaghiganting tao na ipinagkait sa kanila ang normal na pamumuhay. Puro pang-aapi at pangungutya ang natatanggap nila mula sa mga tao na walang magawa kundi manlait ng kapwa. Kaya kung hindi mo nanaisin na ikaw ay mapahamak sa pinakaayaw mong paraan, mag-ingat ka sa mga taong hindi mo pa lubos na kilala, kung hindi, buhay mo ay malalagay sa alanganin.


  Sa isang panaginip, isang diyablo ang sa'yo ay nakamasid, marahil sa'yo ay may nais. Habang tumatagal, palala ng palala ang pagpaparamdam, ikaw na ay nangangamba. Paano mo ba sila matatakasan? Kahit hanggang sa pagtulog sila ay nakabantay. Gugustuhin mo pa bang mabuhay, kung imbis na tao, ay isang demonyo ang nakikita mo araw-araw?

   Marami sa ating mundo ang nilalang na kalaban ng kabutihan, at tanging pananalig lang sa itaas ang panlaban. Kung kaya naman natin na sumamba, hindi natin dapat ipagkait ang ating kaunting panahon upang makipagusap sa nakatataas. Marami sa atin ang walang pakialam sa nakatataas, kahit na siya pa ay ang gumawa sa lahat ng bagay dito sa mundo.

  Mas lalo kang lapitin ng mga masasamang elemento at kampon ng kadiliman sa kadahilanang hindi natin binibigyang halaga ang lumikha ng lahat. Dahil sa hindi nating pagpapanampalataya ay agad nilang sinisira ang ating pananalig sa nakatataas. Sasanib sila sa ating katawan at papahirapan tayo hanggang sa tayo ay magdusa sa sakit at kapighatian.

  Ang mga halimaw na ito ay namumuhay sa sinasabing impyerno, kung saan ang tapunan ng mga makasalanang tao. At dito sila parurusahan hanggang sa pagsisihan natin ang ating mga nagawang kasalanan. Ang karamihan ay hindi naniniwala sa mga ganitong bagay, dahil sa paniniwala nilang mas mainam kung ito ay kanilang makita at maranasan.

  Mga sundo kung tawagin, saan ka nga ba nila dadalhin? Alagad ba sila ng kadiliman? O sila ay algad ng kabutihan? Alam mo sa iyong sarili ang kasagutan, sapagkat ikaw mismo ang nakakakilala ng lubusan sa iyong sarili. Alam mo na rin kung san ka nila dadalhin, upang mahugasan ang iyong mga kasalanan at upang hindi mo ito sa huli ay pagsisihan.

  Hindi man natin ninais na makasalamuha ang mga gantong nilalang sa ating buhay, ngunit sila ang gumagawa ng paraan upang tao ay takutin at saktan. Kung hindi natin sila kayang iwasan ay takasan, maging handa tayo upang sila ay maitaboy ng tuluyan. Kayanin natin at huwag mag-aalanan, kung ito lang ang ating makakayang paraan.

7 comments:

  1. ADD me sa FB...
    http://www.facebook.com/pencontro?ref=tn_tnmn

    ReplyDelete
  2. For the living know that they will die,
    but the dead know nothing;
    they have no further reward,
    and even their name is forgotten.
    Their love, their hate
    and their jealousy have long since vanished;
    never again will they have a part
    in anything that happens under the sun.
    (ecclesiastes 9:5-6)"

    ReplyDelete
  3. naniniwala aq.sa ganyan kc ng nagbubuntis aq.naranasan ko mismo,nagparamdam ang aswang .saka me cousin akong dwarf

    ReplyDelete
  4. nakakagilawgaw ang mga kuwento
    ito panaman project bukas

    ReplyDelete
  5. I like the story sana totoo yan

    ReplyDelete
  6. Caesars, Casino, Hotel & Racing | DrMCD
    Explore our casino 전라남도 출장마사지 near you and have a fun 영천 출장샵 time. the state's only horse 김해 출장샵 racing, harness racing, simulcast, poker 경주 출장샵 room and other casino entertainment 밀양 출장마사지

    ReplyDelete